Archive for July 24th, 2010

Blog-Post Buhay OFW at sa pagtungo sa tuwid na landas

4 Comments

Share ko lang po ang ilang karanasan ng mga kapwa nating OFWs sa pag-process ng kanilang OECs sa mismong tanggapan ng POEA sa EDSA corner Ortigas, Mandaluyong City.

OEC DelliveryKapag araw ng Lunes at Martes ay madaming mga kapwa nating OFW ang nag-proprocess ng kanilang mga OECs. Karamihan ay mga galling karatig probinsya. Sa dami ng nag-proprocess isang option ang mag-process sa tinatawag nilang POEA Balik-Manggagawa OEC Delivery ng Pilipinas Teleserv, Inc. Syempre nga naman di ka na pipila ng matagal at di ka na maghintay pa na matapos ang processing dahil idedeliver mismo ang tapos ng OEC mo sa inyong mga sarili tahanan. Malaking ginhawa di ba?

(more…)